Monday, February 26, 2007

pepe: para sayo ang laban na 'to

ika-6 ng Pebrero
taong 2007
Pepe,

Unang-una, maraming salamat sa iyong mga naiambag tung sa ikauunlad ng ating bayan. Pepe, alammo kaya na ikaw ang naging pambansang bayani ng Pilipinas. Sana alam mo ara madama mo na sulit ang iyon mga pinaghirapan, alam namin na gudgo at pais ang iyong inialay para lang mapabuti ito.
Pepe, maniwala ka man hindi ay ikaw ang isa sa aking mga idolo. Alam mo kung bakit? Dahil sa'yo daw nagsimula ang "one-side" na ayos ng buhok. Ngunit ang gusto kong malaman ay kung naliligo ka pa ba? Sa sobrang puno ng iyong talaarawan. Ako nga pala ay magtatapos na sa aking pag-aaral sa kolehiyo, hindi mo man ako katulad na maraming nakuhang gantimpala sa iba't ibang patimpalak, nasa puso ko pa rin ang pagiging makabayan dahil bagamat mahirap ang kompetison sa akng napiling kurso dotp sa ating bayan, sisikapin kong 'wag mangibang bansa at magpaalipin sa mga dauhan. Ngunit sana lang ay may maganda at regular na trabaho kaming makuha para sa gayon ay matupad ko ang aking naturing
Muli, maraming salamat salahat. Ako ay naniniwala na ang kabataan ay pag-asa ng bayan kung ang kabataan, ang pag-aasawa a iiwasan.

Ang iyong kababayan,
Al




ipinasa ni: Alberto Arapoc Amora
Grado: A-

liham kay rizal

Mahal kong Jose Rizal,

Una sa lahat nais kong magpasalamat sa mga nagawa mo para sa bansa natin, tulad ng pagmulat mo sa kaisipan ng mga pilipino sa pamamagitan ng iyong mga nobela. Nagpapasalamat din ako dahil sa lahat ng bayani ikaw lamang ang hundi gumamit ng dahas bagkis ginamit mo ang iyong talino para ipakita sa mga tao na hondo sagot ang dahas para makamit ang kalayaan. Marami ka ring naiwang magagandang alaala dito sa ating bayan at sa ibang bansa. Dahildoon ikaw ang piniling pambansang bayabi ng pilipinas.

Hanggang dito na lang maraming salamat.



Lubos na nagpapasalamat,
Alvin G. Solis
BSIT-4A
Grade: B
Ika-6 ng Pebrero, 2007
Mahal na Ginoo,
Una sa lahat, nais naming magpasalamat sa iyo ng taos puso sa lahat ng kabutihan at kagitingang ginawa mo para sa aking mga kababayan at sa ating mahal na Inang Bayan. Kung tutuusin ay hindi sapat ang salitang "salamat" upang kaming lahat ay tumanaw ng utang na loob mula sa iyo. Ibinuwis mo ang iyong buhay ng walang pasubali alang-alang sa kapakanan ng iyong bayan at kababayan. Hindi namin matumbasan ang ginawa mong kadakilaan. Hindi rin sapat ang papuri at paggunitang ginagawa ng bayan mo para sa iyo. Hindi man namin matumbasan ang ginawa mong kadakilaan, mananatili pa rin sa aming puso ang pagmamahal mo sa iyong bayan.
Kung ikaw lamang ay nananatili sa bayang ito, nasasaksihan mo sana ang maling pananaw ng iyong mga kababayan sa ating lipunan, ikaw sana ang nananatiling instrumento para mailagay sa maayos na kalagayan ang ating Inang Bayan at upang maituwid ang mga maling pananaw.
Muli, maraming salamat sa iyo at mananatili kang isang pinakadakilang bayani.
Lubos na nagpapasalamat,
Jenelyn E. Eclarinal
BSIT -4A
B+

Liham para kay Rizal

Sa ating Pambansang Bayani,

Tunay nga na ikaw ay kahanga hanga, dapat nga na ikaw ay ay tamang tawaging pambansang bayani, dahil sa iyong mga nagawang mabuti para sa ating bayan, lalo na sa mga kabataan,dapat nga ikaw ay aming hangaan dahil sa iyong angking katalinuhan at likas na talento, tulad ng pagpipintor, pag-eeskultor, eskriminador at mabuting manggagamot dahil dito ay marami kang natuluingang at napagaling na mga taong maysakit.

Nang aking nabasa ang sanaysay na pinamagatang "Hirit at diskarte sa Bayaning Ilustrado" aking nabatid na ikaw ay mahilig sa mga babae, o tinatawag ka nilang "chickboy" pero hindi ito hadlang para ikaw ay aking hangaan,dahil alam ko na na ito ay normal lang, lalo na kung ikaw ay kilala ito ay hindi maiiwasan, marami ang hahanga sayo.

Sa aking mga naranasang pagsubok sa buhay sa dinami dami nito na dumaan sa aking buhay, ito ay nangangahulugan lamang na kaya ko pang lumaban, dahil nandidito na ako ngayon sa estado na kung saan ay nalalapit na aking pagtatapos, naway sa aking tatahaking panibadgong landas, ikaw ay aking maging inspirasyon. at aking tatandaan ang iyong mga nobela na aking natutunan.

Maraming salamat po sa lahat lahat.
Lubos na gumagalang,
Rowena P. Sevilla
BSIT-4A
B+
Mahal na Dr. Rizal,

Una sa lahat ang pagsulat kong ito ay nais magpabatid ng pasasalamat. Sa ngayon, ang nalalapit kong pagtatapos kasama ng aking kamag-aral na nakatamo ng diplomasya pagatapos ng maraming taon. Hidi kaila na sa sinabing taon, ay nakapagdaanan naming lahat ang inyong sinulat na akda. Dito naipamalas mo kung gaano ang pagmamahal na inalay sa ating bayan. Iminulat mo sa mamamamyan ang lahat ng katiwaliang ating naranasan. Kung paanong maibahagi ang lahat ng iyong nalalaman sa iyong maga ideolohiya at mga pananaw sa buhay na nais ituro sa amin. Sa ngayon, lubos kong napagtanto kung bakit ikaw ang napiling bayani,

At sa pagtatapos kong ito, nais kong ialay hindi lamang sa aking magulang pati na rin sa mga kabataang tulad ko. Asahan mong ang lahat ng iyong turo at ideolohiya ay mananatili sa aking isipan.


Lubos na Gumagalang,
Anju P. Azares
BSIT-4a

Marka=B
Pebrero 6, 2007

Sa bayaning martir,

Naisip ko lang kung ano ang magagawa ng isang bayani na kagaya mo sa panahon ko na maunlad sa teknolohiya at puno ng korupsyon. May magagawa ka bang isang nobela na maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa sistema ng pamahalaan. Ano kaya ang magiging pamagat nito at ano rin ang basehan nito.

Masuwerte ka Rizal sapagkat nakapag-aral ka sa pribado at ekslusibong unibersidad, nakarating sa ibang bansa para pagyamanin ang karunungang taglay. Ngayon, napakalaki ng gastos papunta sa ibang bansa, karamihan ay may dahilan na para magkaroon ng mas malaking suweldo at hindi para mag-aral. Naghihirap na kasi ang bayang pinaglaban mo noon. Ano ba ng solusyon mo kung ikaw ang naging pangulo ng Pilipinas?

Ang inyong estudyante,
Jeush Deus
B+

JoSe RiZal

ika Pebrero 5,2007


Mahal kong kuya Joe;
Nais ko po bumati sa iyo ng magandang araw.
Sa iyong paglisan nalulumbay ang ating bayan, dahil sa iyong pagkawala. Alam natin na marami ka pang adhikain para sa bayan. Lubos kaming nagpapasalamat sa nga adhikain na nagpatunay ng pagkapilipino at pagpapahalaga sa mga yaman ng ating bansang ating kinataatyuan. Minsa naisip ko sana nandito ka po sa piling ng mga Pilipino para para mas lalo pa naming mapahalagahan ang ninanais ng ating bayan para sa kabataang tulad ko. Ikaw ang inspirasyonko habang ako'y nag-aaral at sa lugar man ako ay magpunta. Ngayon nasa eskwelahan ko ng ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig. Sa taong aking kinabibilangan sa antas ng pang-apat na pag-aaral sa kolehiyo. May asignatura po akong pina-aaralan ito po ang "RIZAL" naging bahagi sa akin nga mas lalo pang malaman ang iyong pananaw sa bayan, mga problemang dumating sa iyong buhay at pangyayari na inilathala ninyo po sa nmga libro ng Noli at El Filibusterismo. Nakita ko po na maraming pagbabago na gusto ninyo para sa mga pagpapalakad ng gobyerno na maisasakatuparan ng bawat isa. Kung nandito pa po kayo makikita ninyo ang mga sitwasyon ng mga gobyerno dito po sa ating bansa. Maiisip ninyo po na walang pagbabago ang mga pamamalakad ng gobyerno na maihahalintulad ninyo sa pamamalakad noon.


Nagmamahal mong kapatid,
Analyn S. Detera
b+

Sunday, February 25, 2007

Rizal: letters to you

Dr. Rizal,

Isang magandang umaga ang aking pagbati sa isang taong naging inspirasyon ng maraming Pilipino. Astig ka, Idol!

Hindi ko kayang gawin yung mga ginawa mo. Wala akong sapat na sex appeal para magkaroon ng maraming chicks sa bawat destinasyon mo. Wala akong kapasidad na sumulat ng dalawa't kalahating nobela. Wala rin akong salapi para mag "trip-around-the-world". Ang kaya ko lang gawin eh ang sagipin ang bayan sa kahirapan kahit na sa aking maliit na paraan.

'Nga pala, marami ng nagbago mula ng lisanin mo ang ating bayan. Wala na ang mga pesteng Espanyol na umalipusta sa ating inang bayan. Nagkaroon rin ng malawakang ngunit mapayapang pag-aalsa para patalsikin ang isang di kaaya-ayang presidente. Muli ay pinukaw ni Juan Dela Cruz ang atnsyon ng buong mundo. Oo nga pala, mukha mo, ngayo'y nasa piso.

Oo. Wala na ang mga dayuhan na "trip" na "trip" tayong sakupin at alilain. Pero ang bayan natin ngayo'y alipin ng mga mas masahol na mananakop: kahirapan at kasakiman. Muli'y nangangailangan ang bayan ng isang Dr. Jose Rizal na may masidhing pag-ibig para sa kanyang bayan sa puntong handa niyang ialay ang kanyang buhay. Muling nangangailangan ang bayan ng isang tagapag paalala, ng isang tagapagligtas, ng isang tagapagmulat. Masakit pero ito ang katotohonan. Dalangin ko'y mabuksan ang mata ng sambayanan, na mamulat ang mata nito bago pa mahuli ang lahat.

Lubos na gumagalang,
Nico Rotairo Lopez
BSIT-4A


P.S

Salamat sa lahat ng ginawa mo para makamit
ang kalayaang ngayon'y aming tinatamasa.
tsaka grade ko nga pala sa subject nameng
rizal eh "A"! Bwahaha

astig

sa wakas, tapos na ang pesteng thesis... astig...
mam, salamat sa lahat ng itinuro nyo samen, kahit na
pinahirapan nyo kame sa minor subject namen...

PEACE!!!!

slamat talaga

sana sa mga susunod na batch na tuturuan nyo
wag nyo sanang pahirapan sila, wag nyo sanang bigyan ng maraming
gagwin, baka di rin sila makatulog gaya namen...
hirap kayang balansehin ang oras sa paggawa ng thesis...

magkagayunpaman, mam, astig ka!!


from-stud no 03-0**2

LIHAM KAY PEPE

Pebrero 6,2007


Mahal Kong Rizal,
Salamat sa mga akdang iyong isinulat na nagbigay sa akin ng magandang halimbawa . Mula sa aking elementarya at sekondarya ay ipinamulat at itinuro. At kahit ngayong kolehiyo na ako, ay ipinakikita at ipinararamdaman ng aking mga guro ang mabuti at tunay mong katauhan. Maraming bagay ang hindi ko maintindihan nooong panahon mo, ngunit habang tinatalakay ito ay unti-unti ko ng nararamdaman at naiintindihan. Maraming sabi-sabi na ika'y isang dugong bughaw ngunit sa iyong puso at isipan ika'y tunay na Filipino. Maraming haka-haka na ikay bading dahil sa walang dalaga ang masyadong nabibighani sa iyo o ikaw sa kanila. Ngunit kahit ano pa ang isyu tungkol sa iyo iisa lang ang totoo, ikaw ang ama ng bawat Filipino na nagbigay buhay sa tu8nay na pangyayari sa ating bansa.
At ngayong ako ay malapit ng magtapos, hayaan mong ikay aking dalhin sa aking pagsulong sa labas ng paaralan. Maraming salamat sa isang masayang talakayan sa aming silid na ukol sa iyo ay nagbigay kasiyahan sa bawat isa sa aming . Salamt sa lahat ng iyong itinuro na kahit aking sinaway dahil sa isang pangyayari na aking pinagsisishan.
Salamat naway iyong ipagpatuloy ang iyong mga mithiin saan ka man ngayon.

Lubos na gumagalang,
Imelda Z. Tuvera
BSIT-4A


MARKA: B

Saturday, February 24, 2007

liham para kay Dr. Rizal

February 6, 2007

Ginoong Rizal,

Ako po ay nagsadyang sumulat sa inyo upang ipabatid ang mga nagaganap at naganap na sa aming bansa buhat ng kayo po ay lumisan.
Talaga pong nakamamangha ang inyong ipinakitang katapangan sa pamamagitan ng inyong mga sulat sa paglaban sa mga kastila na aming natutunan sa aming aralin. Isa pa, ang mga kursong inyong tinapos at ang iba't-ibang mga wika na inyong natutunan.
Ang mga pilipino ay natuto nang lumaban kapag sila ay nakakanti na. Nagkaroon na ng malayang pagpapahayag ng mga balita, eleksyon, at maayos na edukasyon ang mga kabataan. Ang inyo pong nasimulan ay naisasabuhay pa rin hanggang ngayon. Ngunit mayroon pa rin pong mga tao na mapagmalabis sa paggamit ng kapangyarihan na nagpapahina sa daloy ng ekonomiya. Ang mga kabataang nakapagtapos sa pag-aaral ay walang trabaho.
Ngayon pong nalalapit na ang aming pagtatapos, ang katanungang "Magkakaroon pa ba ng magandang kinabukasan ang mga kabataan?" ang patuloy na iniisip namin dahil sa pagsasawalang-bahala ng mga taong noon pa may inyo ng tinutuligsa.





Lubos na gumagalang,
Froy








Froylan Ray C. Cruz
Grade: A

liham kay rizal

Milisa C. Romanca
BSIT-4A
hindi pa po namamarkahan.

Mahal kongRizal,
bilang bayani ng ating bansa nais ko pong magapasalamat sa lahat ng mga naiambag, naitulong upang magkaroon ng kalayaan ang atign bansa. dahil sa iyong kalakasan ng loob at pagmamahal sa bansa nandito kaming mga Pilipino ngayon malayang nakakagalaw sa ating lipunan sa iyong mga panulat nararamdaman rin namin ang hirap na pinagdaanan niyo at iyon ang naging inspirasyon at gabay namin sa pagamamahal sa ating bansa. at bilang paggunita na iyong kabayanihan sa araw ng iyogn kamatayan inalalan namin ito para magbigay pugay at pagbabalik tanaw sa iyong kadakilaan. lahat ng mga Pilipino pinagdiriwang ito na ipinahihiwatig lang na hindi ka malilimutan ng mga mamamayang Pilipino.
nagpapasalamat ako na ang laki ng karunungan ang naibahagi mo sa akin. simula nang nalaman ko ang tungkol sa iyo may pagababago sa sarili ko. nalaman ko kung gaano ako ka saya na may naipagmamalaki ako na tulad mo nagbigay ng kalayaan ng ating bansa.

Lubos ng Gumagalang
Milisa C. Romanca,

Liham kay Dr. Jose P. Rizal

Pebrero 6, 2007
Maestro Pepe,
Daantaon na ang lumipas mula ng ikaw ay barilin ng mga dayuhan sa Bagumbayan, ngunit ang alaala mo ay nananariwa pa sa aming puso at diwa. Tama ka sa iyong pagkakabasa Ginoo. Para sa akin, ikaw ang aking Maestro. Hantaran akong humahanga sa pakikipaglaban mo sa hamon ng buhay. Ni minsan ay hindi ka sumuko sa kahit anong laban kahit pa nga batid mo na ang lahat ay laban sa iyo. Hindi ka nasiraan ng loob na maisakatuparan ang iyong malinis na hangarin. Natatalos ko na marahil ang iba ay pagtatawanan ako sakaling malaman nila na ako ay pabor sa'yo. Oo Maestro, ikaw ang aking idolo. Hinahangaan ko ang maaaring sa iba'y kababawan ng iyong pagkatao, ngunit para sa akin ay kasing lalim at tibay ng iyong prinsipyo. Marami ang tumitingala sa iyo, marami din naman ang kumukutya. Ang iba'y natatakot kang pamarisan, sapagkat ang isip nila ay naka-sentro sa pagkilala sa'yo bilang si Rizal na halos perpekto. Ngunit sa akin ay iba. Kagaya mo, gusto kong maging ordinaryong estudyante noon. Ang mga grado ko'y maaaring mataas o katamtaman, maaari din namang may mababa. Ngunit ang mahalaga sa akin ay ang pagkatuto ko sa lahat ng aking ginagawa. Ayos lang libakin at ihambing sa iba. Ayos lang ipamukha nila ang aking pagkakaiba. Pagkat tulad mo, batid ko ang aking kakayahan. Alam ko kung saan ako dapat lumugar at kung paanong gamitin sa tama ang aking pinag-aaralan. Kagaya mo Maestro, ako ay ordinaryong estudyante lamang. Nagkakamali at mayroon ding kahinaan. Ngunit ang aking kahinaan ay siya ring kalakasan ko.
Maestro, gusto ko lang magpasalamat sa magandang pamanang iniwan mo sa amin. Nawa ang kaganapan ng iyong paghihirap na tinatamasa namin ngayon ay maghatid ng ligaya sa iyong puso.
Arriane G. Zamora
BSIT-4A
A+

liham kay rizal

Decena, Lyndi lou C.
BSIT-4A
marka- B

Mahal kong Rizal,

Taos puso po kaming nagpapasalamat sa inyo bayani ng pilipino dahil sa mga ginawa mo sa ating bansa at sa aming lahat. iminulat mo kami sa katotohanan tungkol sa mga nangyayari at sa mga ginawa ng mga mananakop na espanyol ng ating bansa. dahil sa mga nobala at tula na isinulat ninyo para sa mga susunod na mga henerasyon ay alam kung ano ang mga nangyari noon na binago na namin sa ngayon pero ang iba ay wala paring pagababgo. ang pamamalakad noon ay ganon pa rin sa panahon ngayon, nandiyan pa rin ang korupsiyon at hindi paggalang sa karapatang panta. ibinuwis mo ang buhay mo para sa sambayanang Pilipino. buong tapang mo pinanindigan at pinaglaban ang karapatang Pilipino kaya kahit buhay mo pa ang kapalit.
Nagpapasalamat din kami dahil naging bahagi ng aming pag-aaral ang asignatura na Rizal nalaman namin ang kahalagahan ng karapatang pantao at ang mga wastong ugali na dapat namin tularan katulad ng mga ugali mo, bayaning rizal. kung matatapos po kaming lahat sa taong ito lalabas kami ng paaralan na makikibaka sa labas dala dala ang mga napag aralan namin sa asignaturang Rizal.
Salamat po ng marami bayani ng Pilipino Jose P. Rizal.

Nagpapasalamat ng buo
Lyndi lou Decena,

liham kay rizal

Jacqueline F. Eusebio
BSIT-4A
Grado- B-


Pebrero 06, 2007


Mahal kong Rizal,

Kahit hindi kita naabutan ay gusto ko sanang magpasalamat sayo, dahil tinuruan mo kaming maging isang huwaran na estudyante at mamamayan.
sa iyong ginawang mga nobela na El Filibusterismo, Noli Me Tangere at Etikang Tagalog ay naipagtanggol mo ang aming bayan, ikaw ang naging daan upang ang mga mamamayang Pilipino ay magising at matauhan. isa kang taong puno ng talento na nagbigay sa amin ng inspirasyon upang kami ay maging mabuting mag-aaaral, upang kami ay maging mapagmahal sa kalikasan, sa magulang at tinuruan mo kami na makialam sa bulok na sistema na iniwan ng mga kastila. nagpapasalamat ako ng lubos dahil isa ka sa mga taong nagmahal sa Pilipinas.
hanggang sa muli, aking dadalhin ang pamana mo sa amin na mag aral ng mabuti at aking tutuparin ang iyong adhikain na " ang kabataan ay pag-asa ng bayan".

lubos na gumagalang
Jacqueline F. Eusebio,

liham kay rizal

Sa ating Pambansang Bayani,
Lubos ang aking pagkilala at paghanga sa iyo. Makailang ulit na naantig ang aking damdamin sa pagbabasa ng iyoing dalawang nobela, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa panahong ako ay nasa elementarya pa lamang ay naririnig ko na ang pangalang “Jose Rizal”. Ngunit katulad ng ibang bayani na dumadaan lang sa aking pandinig ay di ko maunawaan at di mabigyang importansiya ang mga bayaning ito na ating tinuturing.

Nang ako ay tumuntong sa paaralang sekondarya at naging bahagi ng aming kurikulum ang pag-aaral ng dalawang nobela na iyong isinulat. Nang mabatid ko ang iyong talambuhay, pamamaraan, at mithiin ay nagsimula ang aking paghanga sa iyo. Hindi lang sa iyong pagiging dalubwika, eskultor, pintor, magsasaka, paham, guro, at manggagamot. Nakadagdag din ng malaki ang paghanga ko sa iyong personal na gawain, ang iyong talaan ng iskedyul, ang pagpapahalaga sa pamilya at kababayan, ang iyong kasipagan at katalinuhan, at ang iyong pagtitiis at pagsasakripisyo, ay nakapukaw sa aking pag-iisip na may nananatili pa rin na taong nararapat lang pagbigyan ng mataas na paghanga.

Ngayong ako ay magtatapos na sa aking apat na taong kurso at iiwan na ang buhay estudyante ay ipinangangako ko sa iyo, Ginoong Jose Protacio Rizal ang di paglimot sa iyo. Sa mga naitulong sa ating bansa at sa iyong naging impluwensiya sa aking pagkatao. Ikaw ang aking modelo. Nawa’y ang aking buhay ay maging katulad ng sa iyo….ang mamatay ng may kabuluhan at mareyalays kung ano ba talaga ang kahulugan ng mabuhay? Taos pusong pasasalamat!

Note: Bilang pag-alala sa iyo ay mananatili sa aking pag-iingat ang dalawang libro ng iyong nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ito ay aking itinuturing na kayamanan.


Lubos na Gumagalang,
Annie Bande
BSIT-4A
marka: A
Iniidolo kong Dr. "Gat" Jose P. Rizal,

Nais kong umpisahan ang aking liham sa pamamagitan ng isang taos pusong pagpapasalamat sa mga kabutihan at kabayanihang iyong nagawa sa ating inang-bayan. Dahil sa'yo minulat mo sa kadiliman ng pananakop ang ating kababayan, binigyan mo sila ng lakas ng loob upang tumayo sa sarili nilang mga paa. At hanggang ngayon sa kasalukuyan tinatamasa naming lahat ang isa sa pinaghirapan mong makamit at iyon ay ang kalayaan. At sa paglipas ng mga panahon, marami ng pagbabago ang patuloy na nagaganap sa ating inang-bayan may mga ilan din ang nakalimutan na ang iyong mga pinasumikapan. Gayon pa man hindi na nila maiaalis sa isip ng bawat Pilipino na minsang may isang dakilang bayani ang nagtaguyod ng ating bansa.

Sa pagtatapos ng aking liham nais kong ipaalam sa'yo na bilang isang estudyanteng Pilipino na magtatapos ngayong taon, susumikapin kong magamit ang aking napagtapusan upang makatulang kahit sa simpleng paraan sa ating inang-bayan.

Hanggang dito na lang po

Lubos na humahanga,
Joren L. Austria, B

Sunday, February 18, 2007

Liham Kay Rizal

Pasasalamat Kay Rizal:

Si Rizal ay isa sa ating magigiting na bayani ng ating bansa at nag-ambag sa ating mga Pilipino ng lahat ng kanyang kaalaman upang tayo ay bumangon at hindi mawalan ng pag-asa.

Nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit papaano nagkaroon ng isang Pilipino na katulad ni Rizal sa ating bansa na siyang nagsilbing ilaw upang makita natin ang totoong kalagayan ng bansa at tayo'y lumaban upang makamit ang kalayaan.


Nagpapasalamat
Cindy B.Risma
BSIT-4A

Paalala:
Pasensya na po Wala po akong gawa nung oras
ng klase dahil lumiban po ako.
Kaya wala pa po akong grado sa inyo.

Friday, February 16, 2007

Ika-6 ng Pebrero, 2007

Ginoong Jose,

Matagal na kaming nangungulila sa iyo. Sa iyong mga liham, mga lathalain, mga naiwang gamit at ang iminulat mo sa aming kaisipan ay pinipilit ka naming buhayin. Sa lalim ng iyong kaisipan ay natatalos mo marahil ang aking nais ipakiwari.

Ako ay magtatapos na sa kursong sumibol ilang dekada pagkatapos mo kaming lisanin. Sa dalawampung taon kong pamumuhay sa bayang ipinagtanggol mo noon ay marami akong napuna. Sa paaralang aking pinapasukan, halimbawa, ay hindi binibigyang kabuluhan ang wikang sana'y magpapaunlad sa ating bayan. Ang wika na laging laman ng iyong mga lathalain ay pumayagi na at malapit ng tuluyang magpaalam. Sana ay may magagawa ako upang mapigilan ang paglalaho ng pinakadakilang wika sa mundo. Ang wikang minahal mo ng labis na ngayon ay mistulan ng layak na nakakalat sa gubat. Hindi pinapansin at pilit binabago ang anyo. Kung nabubuhay ka lang ngayon ay iisipin mo marahil na sayang ang mga buhay na ibinuwis noon upang ipagtanggol ang ating bayan. At kung nabubuhay pa hanggang ngayon ay marahil patuloy ka pa ring lumalaban dahil hindi pa rin nakakamit ng ating bansa ang kalayaang matagal na panahon mo nang hinihingi. Ngunit hangga't may isang katulad ko na naniniwala at nakauunawa sa iyo ay walang daan ang pagsuko.

Sa aking pagsasalamisim habang nakatanaw sa malayong papawirin ay naisip ko ang paghihirap ng kawawang kaluluha sa katawan mo. Nawa'y hindi masayang ang naging kapalit ng buhay mo.

Ang iyong kaibigan,
Rafael A. Pascual, BSIT-4A
A+

LIHAM PARA KAY DR. JOSE RIZAL

ILAG, GUIDO O. PUNTOS = B+
BSIT-4A February 6, 2007


Ginoong Dr. Jose Rizal,

Kumusta na po an gaming butihin naming Dr. Sa mga oras na ito ay nais ko po kayong kausapin sa pamamagitan ng aking panulat. Alam ko po na sa pamamagitan ng isang maginoo at mapagtanong kong imahinasyon ay masasagot mo ako at dahil ako po ay gagraduate na ngayon, kung pahihintulutan ng poong may kapal ay nagpapasalamat po ako sa mga guro na nagturo sa akin ng iyong mga aral at higit sa lahat pinasasalamatan kita sa mga naiambag mong tulong sa aming mga Pilipino lalong higit sa lahat sa katulad kong isang kabataan sa tulong ng iyong mga akda,. Sa totoo lang po marami akong natutunan sa aking buhay, at ngayon nga pong malapit na akong magtapos a hindi pa rin po kayo nawawala sa aking puso at isipan. Maraming maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,
GUIDO ORTEGA ILAG

ANG AKING LIHAM PARA SA ATING PAMBANSANG BAYANI...

ROBLEDO, JENNELYN R. PUNTOS = A+
BSIT-4A
February 6, 2007
Sa Ating Pambansang Bayani,

Una sa lahat nais kong magpasalamat sa iyong kabayanihang ipinakita para sa ating bayan. Ang iyong katapangan hindi man sa pamamagitan ng lakas ay naging napakalaking impluwensya hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang iyong kadakilaan ang siyang nagmulat sa mga sumunod na henerasyon upang maging matatag at huwag hayaang apakan ng ibang bansa.
Ako, bilang isang estudyante na nag-aaral ng iyong buhay ay lubos na humahanga sa iyo – sa iyong katalinuhan at katapangan. Ang iyong pagmnamahal sa ating bayan ay walang katulad sapagkat kaakibat ng pagmamahal na ito ay ang pagmamalasakit mo sa iyong mga kababayang nagdurusa.
Sa aking nalalapit na pagtatapos, sisikapin kong isabuhay ang mga aral na iyong ibinahagi sa aking buhay. Ang aking adhikain na makapagtapos ay may kinalaman hindi lamang sa nais kong ako ay magkaroon ng magandang buhay bagkus ito ay aking ginagawa para sa aking pamilya at upang makatulong ako sa mga mahihirap sa ating bansa. Hiling ko na sa simpleng bagay na ito ay mapasaya kita at masabi mo na hindi ka nagsisisi sa pagsabing…. “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”.

Lubos na gumagalang,
JENNELYN REYES ROBLEDO

Liham para kay Dr. Jose Rizal

Ika- 6 ng Pebrero, taong 2007


Sa aking Idolo,
Alam ko ika’y masayang-masaya kung asan ka man. Marahil ay nakikita mo ang mga naging bunga nang iyong pakikipiglaban, bagamt hindi lhat ng bunga ay positibo maaari pa din itong itama at hindi pa huli ang lahat.
Nais kong magpasalamat sa iyo, sa paggawa ng mga sulating hindi nalalaos, pagmumulat sa damdaming nakagapos, paghikayat sa mga Pilipinong lumaban sa katiwalian at higit sa lahat ang aral na iyong iniwan. Tama ang iyong talino ay kahanga-hanga, isang pambihirang karunungan ang iyong tinataglay. Ako’y sobrang humahanga sa iyo aking idolo at nagpapasalamat ng marami dahil sa iyo maraming tao ang hinubog mo.
Umaasa ako na isang araw ika’y makilala ko at ang pagtatapos kong ito’y iniaalya ko din sa iyo. Ang bawat kabataan ay patuloy na lalaban sa katiwalian at maling pamamalakad ng bawat gobyerno.

Lubos na Gumagalang,
Ian A. Reyes
BSIT -4A
A

Liham para kay Dr. Jose Rizal

Pebrero 6, 2007

Kuya Pepe,

Bago ang lahat, buong puso akong nagpapasalamat sa lahat ng mga nagawa mong kabutihan para sa ating Inang Bayan. Dahil sa’yo namulat an gating mga kababayan upang ipagtanggol ang kanilang sarili lalo na ang ting mga bansa sa mga mapagsamantalang mananakop.
Ngayong nalalpit na ang aking oagtatapos sa kolhiyo, buong puso akong nagpapsalamat sa pagiging inspirasyon mo sa akin pati na sa mga kabataang Pilipino. Marami kaming napulot na aral tungkol sa iyong buhayat sa mga kagitingang nagawa mo para sa ating bayan. Iminulat mo an gaming musmos na kaisipan sa tunay na buhay at sa pagtatahak ng landas ditto sa mundong ginagalawan.
Muli, taus-puso akong nagpapasalamat sa’yo. Nawa’y masaya at payapa ka ngayon kung saan ka man maparoon.


Malugod na bumabati,
Jayson Leonidas
BSIT 4A
B+

Thursday, February 15, 2007

liham para kay Dr. Jose Rizal

Pebrero 6, 2007


Ginoong Dr. Jose P. Rizal,


Magandang araw po sa inyo! Kumusta n po kau ? Nais ko pong magpasalamt sa inyo sa mga naipaman niyo sa aming mga kabatan at sa ating bayan. Malaki na po ang naitulong niyo sa amin. Salamat po sa pagiging isa niyong modelo sa aming mag-aaral. Marami po akong natutunan sa aralaing Rizal at sana po ito ay makatulong sa akin. Ngayon po na ako ay malapit ng magtapos sana po ay maiaaplay ka sa buhay ang lahat ng natutunan ko sa inyo. At ngayon ay nauunawaan ko na po na napakahalaga ng pag-aaral katulad ng pagpapahalaga na ginawa ninyo. Nararapat po na kayo angPambansang Bayani dahil sa laht ng naitulong niyo. Sana po ay magabayanniyo pa nag mga susunod na heherasyon. Sana po ay huwag kayong magsawa na patnubayan ang mga tao. Nawa’y kayo maging modelo sa marami pang tao.



Gumagalang,

Valarie Mae Y. Mendoza
BSIT 4A
B

liham para kay Dr. Jose Rizal

Pebrero 6, 2007


Dr. Jose P. Rizal,


Una po sa lahat, ako’y nagpapasalamat dahil nakilala ka namin. Kahit na kayo po ay namaty sa murang edad, naging malaki ang kontribusyon mo sa bayang Pilipinas upang mas maging malay. Naging isa kang magandang halimbawa sa mga tao lalo na sa mga kabataang tulad namin. Labis po akong nagpapasalamt dahil sa paraang ginawa mo, natuto ang mga tao. Naging isang malaking bagay sa buhay namin lalo kaming mga kabataan o estudyante na makilala ka namin nang lubos. Marami kaming natutunan sa iyong mga isinulat lalo na sa pagiging pagkamakabayan o pagkapilipino. Maraming salamat din po sa inyong kasabihan na ”Kabataan Pag-asa ng Bayan” tunay nga pong kaming mga kabataan ay pag-asa ng bayan. Iminulat mo sa amin kung gaano kahalaga ang edukasyon sa bawat isa. Ngayong kami’y magtatapos, pinapasalamatan po kita ng buong puso sa pagtuturo sa amin ng mga kagandahang asal, pagmamahal sa bayan at pagka-makapilipino. Sana nga po ay maging kagaya ka namin at makatulong sa aming bayn ng buong puso. Maraming- maraming salamat po sa bayaning Dr. Jose Rizal. Nawa’y maipagpatuloy pa ang iyong sinimulan..


Lubos na Gumagalang,
Jessica S. Mateo
BSIT – 4A
B

Wednesday, February 14, 2007

LIHAM UKOL SA AMING BAYANI

Ginoong Jose Rizal,

Kamusta na po kayo? Alam ko po matagal na panahon niyo na rin po kaming sinusubaybayan. Hindi po ba kayo nababagot? Mahigit isang daang taon na rin kayong nakamasid sa amin. Ginoo, ang taas po ng inaasahan niyo sa aming mga kabataan. Hindi ko nga po alam kung natutuwa kayo sa mga nagawa at ginagawa namin. Sana po naisasakatuparan namin ang mga adhikain niyo ukol sa bayan.

Ginoo, mahigit isang buwan na lang at magtatapos na kami sa aming pag-aaral. Haharap na po kami sa mas malaking hamon ng buhay, sa mas malalayong paglalakbay at mas matitinding pagsubok. Marahil karaniwan lang na kami ay kabahan, ngunit hindi dapat kami matakot. Ang aming mga napag-aralan sa loob at labas ng paaralan ang magsisilbi naming sandata, baluti, at kalasag sa pagharap sa mas malaking bukas. Natapos man po ang aming pag-aaral ngunit hindi ang aming pagkatuto. Patuloy pa rin kaming maghahanap ng karunungan upang aming gamitin sa paglilingkod sa bayan.

Matapos po kayong bawiin ng Maykapal ginoo, marami na pong nangyari at nagbago sa Pilipinas. Maraming pangulo na rin ang namuno sa amin. Nagpapalit-palit na rin ang ating mga mambabatas. Ilang ulit na ring nabago ang ating saligang batas. Lumawak na ng husto ang agham at aghimuan. Dumami ang matatayog na gusali. Humaba ang mga daanan kasabay rin ng paglawak ng kalakalan at pakikipag-ugnayan sa mga banyagang bayan. Higit ding dumami ang bilang ng ating lahi. Kasabay ng mga pagbabagong ito ginoo, ay ang pagkasira ng ating kalikasan, paglimot sa sining at kalinangan, pagbalewala sa wika at pagkawala ng kalayaan at kabihasnan.

Ngunit ginoo, pagkatapos ng ilang daang taon at mga buhay na nawala at umusbong, ito pa rin ang Pilipinas. Isang Pilipinas na sa aking pananaw ay hindi ang inyong inaasahan. Marami pa rin ang naghihirap at nagugutom. Nananatili ang mga mangmang. May mga nawawalan ng pananampalataya at paniniwala. Ngunit ang pinakanakalulungkot ginoo ay ang paglaho ng pagka-Pilipino ng ating mga kababayan. Ang mga kabalakyutan at kabulukang ito ang nais kong baghuhin.

Ginoo, aming bayani, ayaw ka naming biguin. Tunay na mahirap maging alagad ng pagbabago sa isang bingi at bulag na lipunan, ngunit gagawin ko ang lahat upang makatulong. Patuloy kong pauunlarin ang pagyakap sa ating kalinangan at paglikha ng pagbabago sa gitna ng makabagong panahon. Alam kong patuloy niyo kaming pagmamasdan, mula sa aming pagtatapos hanggang sa aming paglipad sa nalalapit na hinaharap. Huwag po kayong mag-alala ginoo, nananatiling buhay ang pag-asa ng bayan, at hanggang sa aming katandaan at pagsasalamisim sa nakaraan, hindi kabalintunaan ang aming maaalala, kundi ang panahong naabot namin ang himpapawid habang dinarama ang init na nagmumula sa himaymay ng sinag ng araw.
Gumagalang,
Jerwin N. Rufino at kabataan, A+
Mahal kong Dr. Jose P. Rizal,

Una sa lahat nais kong magpasalamat sa iyo, sa iyong pagiging huwarang Pilipino, sa iyong pagiging mabuting mamamayan at higit sa lahat ang iyong pagiging mapagmahal sa ating bayan. Naipakita mo sa bawat tao na ikaw ay karapat-dapat na maging isang bayani ng ating bayan. Naipakita mo sa aming lahat ang iyong kabutihan at ang iyong tunay at mabuting hangarin para sa ating bayan at para sa aming mga kapwa mo Pilipino. Naging huwaran ka rin sa aming lahat na mga kabataan at dahil diyan ikaw ay aming hinahangaan at pilit ka naming tinutularan at kame ay nagsusumikap na mag-aral at magpursige sa aming nais na marating. At isa ka din sa mga dahilan kung bakit kame ay natutong makipaglaban kung anu ang aming mga karapatan bilang Pilipino at bilang isang tao. Sayang hindi kame nagkaroon ng pagkakataon para makasalamuha ka. Puro alaala at mga nagawa mo lang ang aming mga nalaman. Pero kahit ganoon paman, kahit wala ka ay parang nandito ka lang sapagkat aming ginugunita at sinasariwa ang mga ginaawa, na tulong o na ambag mo sa ating bayan at iyon ang hinding-hindi namin malilimutan ngayon. At sa paraan ng paggugunita sa iyo ay nagawa na. Katulad ng sa pagsasapellikula ng iyong buhay, at nasalin na rin ito sa iba't ibang babasahin. At halos lahat ay alam na namin ang tungkol sa iyo. At ngayon kame ay magtatapos na, isa ka sa inaalayan namin ng aming pagtatapos at tulad mo gagamitin namin sa kabutihan ang aming mga napag-aralan at natututnan. Marami po akong sabihin at iparating sa iyo pero kulang pa ang espasyo ng papel na ito para maiparating ko lahat ang aking lubos na pasasalamat sa mga nagawa mo sa amin at para sa ating bayan.
Hanggang dito......Salamat, maraming maraming salamat sa iyo.
Nagamamahal,
Lennie Narvaez
BSIT4A
B
Para sa iyo Dr. Jose P. Rizal,
Una sa lahat nais kong magpasalamat sa iyo dahil sa iyong tulong na ginawa sa bayan pati na rin sa mga kabataan dahil dito ang mga kabataan na may nais na makapag-aral ay nakapag-aral nang matiwasay.
Mahaba na ang panahong nagdaan at hanggang ngayon ay katuparan pa rin ng iyong ninanais na maging malaya ang mga mamamayan. Ang kabataan ay malayang nakakagalaw sa kanilang mithiin.
Sa panahon namin ngayon, mahirap na ang buhay kaya nagsisiskap ako upang makapagtapos ng pag-aaral. Ako ngayon ay nasa huling antas ng aking kolehiyo, sa tagal ng panahon ng aking pag-aaral sa wakas at narating ko na ang pinapangarap ko at ng aking mga magulang.
Dito pinapakita namin ang pagpapahalaga namin at pasasalamat namin sa iyong ginawa sa amin lalo na sa mga kabataan.

Ang isa sa mga kabataan,
Criselle R. Gasalao
BSIT4A
B

liham ky rizal

Pebrero 6,2007
Mahal kong Rizal,
Sa inyong katanyagan di mawawalay sa kaisipan ng bawat Pilipino ang iyong kadakilaan. Karunungan na siyang ginamit upang matamo ang kalayaan na lubos ko namang hinahangaan.
Sa pagkamulat sa mundong ito, di man nasaksihan ang iyong iniwang kabayanihan. Simula sa mga nilimbag mong mga nobela na sa bawat pahina ay masasaksihan ang paghihirap ng mga Pilipino.Ang iyong munting panulat na siyang nagbigay liwanag tunay ngang kahanga-hanga.
Sa aking nalalapit na pagtatapos nais kong ihandog ang aking diploma patunay lamang n nakamit ko ang hangarin ng isang kabataan. Nangangarap at umaasa sa gabay ng isang bayani na nakapulutan ng inspirasyon.
Saludo ako sa iyo bayani!
Lubos na gumagalang,
JONALYN E. VALLENTE
Grade=B+

Monday, February 12, 2007

Isang Liham kay Gat Jose Rizal! Bow

Ika-6 ng Pebrero,2007

Mahal kong Gat Jose rizal,

Ako ay sumulat sa iyo upang bigyang parangal at pasalamatan ka sa aking pagtatapos. Marahil ikaw ay nagtataka sa aking hangarin, ngunit ang iyong karangalan na ipinakita sa loob at labas ng bansa ay lubos na dumadakila sa amin. ang Pilipinas ay ikinararangal ka! Ngayon, sa araw ng iyong kamatayan ipinagdiriwang namin ang paggunita sa mga bagay na binahagi mo sa kapakanan at kinabukasan naming mga Pilipino. Sa iyong pagsusulat ay binuksan mo ang aming kamalayang Pilipino - kasama ng mga ninuno ko, mga kabababayan mo - nakabuo kami ng isang malayang bansa na may malayang pananalita na buhay sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa katulad mo. Marami na rin sa mga kababayan ko ang pinagmamalaki ngayon sa larangan ng palakasan, himig, pangpulitika at iba pa. Marami na ring nagbago noong nawala ka! Ngayon, masasabi kong nasa makabagong teknolohiya kami!

Ano0 nga ba ang hangarin ko sa pagsulat sa iyo? Ano nga ba nag relasyong ito sa aking pagtatapos? Nawa sa aking kinabukasan ako ay maging katulad mo na ikararangal ng bansang ito, na naging bahagi ang pagkatao ko sa pagunlad ng bansang ito at naging susi sa paggising ng kamalayang Pilipino.

Maraming salamat sa iyo.


Lubos na gumagalang,
Marydith Romero - B
BSIT-4A

Liham

Sa Ating Pamabansang Bayani,

Una sa lahat ay nais ko muna kayong pasalamatan sa inyong kabayanihan at pagmamahal sa ating bayan, bagamat sa mura ninyong edad kayo ay lumisan ay may pinatunguhan naman ito. kamusta ka na aming bayani? aming magiting na kababayan? ako talaga ay lubos na humahanga sa inyo. Hindi ko alam kung sa panahon namin ngayon, panahon kasalukuyan, ay makakatagpo pa ako ng isang tulad ninyo. Minsan na isip ko na sa panahon namin ngayon ay nawala na ang inyong pinaglaban dahil sa mga nangyayari ngayon sa ating bayan, ang hindi na pantay na pagtrato sa batas, ang mga mayayaman at makapangyarihan ang lubos na may laban pagdating sa batas at ang panghihimasok ng banyaga sa ating gobyerno. Sabi nga nila "history repeat itself" sa aking palagay ay ito ay bumabalik sa ngayon. Sana ay may isilang ulit na bagong bayani sa panahon namin ngayon. Sa aking pagtatapos sa kolehiyo ay tatandaan ko ang mga mabuting adhikain ninyo, bagamat sa panahon namin ngayon ay mahirap itong sundan, gagawin ko ang nararapat ay naaayon sa aking puso at kalooban. Kung ako ang tatanungin ay gusto ko makapunta sa panahon ninyo, panahon na pinaglaban ninyo ang ating bayan. Sabi nila mahal ko ang aking bayan yan ang sambit ng mga pulitiko at ng mga katungkulan sa ating gobyerno. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Masyado na akong maraming na isulat sa liham na ito puro naman hinaing ng bayan ang aking binabanggit, bagamat ang liham kong ito ay hindi mo na mababasa sana ang iyong espiritu ang magpatnubay sa lahat ng ating kababayan lalo na ang may katungkulan sa ating gobyerno.
Lubos na gumagalang,
Ronnie L. Bermillo IT-4A B+

Sa aming Dakilang Bayani,

Maraming taon na din ang lumipas buhat ng ika'y lumisan, ngunit ang iyong ngalan at mga nagawa sa ating bayan ay nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan. Ang iyong mga aral, paniniwala at adhikain sa buhay ay isang dahilan upang mabago ang aming pamumuhay at pamahalaan.

Sa loob ng mahabang panahon ng aking pag-aaral ilang beses ko din narinig,binasa, kinabisa at pinagaralan ang kwento ng iyong buhay mga libro at tula na iyong ginawa. Ngayong nalalapit na ang araw ng aking pagtatapos at paglisan sa paaralan na naghubog sa aking kaalaman sa loob ng apat na taon, nais kong ipaabot ang aking pasasalamat sayo. Isang pasasalamat dahil kung hinde dahil sa iyong paghihirap at pakikipaglaban ng ating kalayaan hinde ako mabibigyan ng karapatan at pagkakataon na makapagaral at mahubog ang aking kaalaman.

Ako po ay nangangako na ang aking mga natutunanag kaalaman ay magagamit sa wasto at tamang pamamaraan. Upang makapagbigay din ng tulong sa ating bayan kahit na sa maliit na pamamaraan. Hanggang dito na lamang, at muli maraming salamat po.


Gumagalang,
Eric I. Dionela
BSIT-4A
B.

Jose rizal

Para sa ating Pambansabg Bayani,

Una sa lahat, nais ko po kayong papurihan sa magaganda ninyong nagawa para sa ating bayan. Lubos po akong humahanga sa mga kadakilaan na inyong inalay para sa aming mga susunod na henerasyon. Marahil po'y hindi ganito kadali makatuton sa paaralan kung hindi dahil sa tulong ninyo na maipaglaban ang mga karapatan ng mga Pilipino para makamit ang patas na edukasyon. Sa panahon po namin, natatamasa na rin namin ang maginhawang pamumuhay at sagana sa edukasyon na walang pumipigil na dayuhan at pilit tayong inaalisan ng karapatan sa ating sariling bayan at gawing mangmang upang hindi tayo tumuligsa sa kanila. Ang edukasyon po sa aming panahon ay karapatan na ng bawat isa. Ngayong pong patapos na kami, nais ko pong maging isang magandang halimbawa rin para sa kabataang Pilipino. Ayon rin po sa inyong adhikain ito ay magsisilbing inspirasyon at gabay namin para maging mabuting mamamayan ng ating bayan. Naimulat po kami sa tunay na kahalagahan ng edukasyon, di lamang para sa aming sarili kundi sa kapwa at sa bayan na tulong sa pag-unlad ng ating bayan.

Lubos na gumagalang,
Marife S. Reyes
BSIT-4A
B+

Liham para kay Rizal

Mahal kong Jose Rizal,
Halos daang taon ka ng pumanaw sa daigdig na ito at hangang sa ngayon patuloy pa naming sinasariwa at pinapahalagahan ang kabayanihang ipinagkaluob mo sa ating bayan. sadyang di mahihigitan ang mga kabayanihang ginawa mo at gusto ko lang sana sabihin na lubos akong nanghihinayang bilang kabataan dahil sa napaka aga mong paglisan. Iniisip ko na kung mas nabuhay ka ng matagal ay mas madami pa ang iyong magagawa sa ating bayan. Nagpapasalamat po ako sa ginawa mong pagbuwis ng iyong buhay at hangang sa ngayon bilang mag aaral nadadagdagan ang aming kaalaman sa pag aaral ng iyong talambuhay. Ako'y humahanga sa mga nakamit mong karangalan at mga kakaibang talento. At umasa ka na ikaw ang aming magiging inspirasyon upang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay at ginintuang karunungan. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na makarating sa iyong panahon, nais ko sanang makilala ka ng personal, ngunit ito'y imposible. Ako na mismo ang humihingi ng kapatawaran kung anu mang pagmamalupit ang iyong naranasan sa iyong panahon. Ipagdarasal ko ang iyong katahimikan at kapayapaan sa isip at kaluluwa. at kung dumating ang araw na akoy magiging isang ina, asahan mo na hanggang sa magiging anak koy ika'y pahahalagahan at kikilalanin. At ngayong dumating na ang aming huling yugto sa aming mahal na paaralan, asahan mo na hindi ka namin makakalimutan hanggang sa aming paglaki, patuloy naming isasadiwa ang iyong mga alaala. Salamat..salamat..sa lahat.
sa iyong mga naiambag sa ating bayan... Marami pong salamat.

Nagmamahal,
Roxanne R. Cruz ng BSIT 4A marka= B

liham para kay rizal

Ika – 6 ng Pebrero, 2007

Para sa iniidolo kong bayani,

Kamusta?! Isa ako sa mga milyun-milyon kabataan na lubos kang iniidolo. Labis-labis ang paghanga ko sa iyo sapagkat tunay ka namang napakasuwerte.

Siya nga pala, ako ay isang estudyante pa lamang. Alam mo ba, pinag-uusapan ka namin sa klase. Sa aming unibersidad, meron kaming isang aralin na ikaw ang aming paksa. Lahat ng tungkol sa iyo: ang iyong buhay, mga naisulat- mga tula, prinsipyo, ideolohiya, nobela at ang mga nagawa mo para sa ating bayan. Akalian mo, sa pamamagitan ng iyong pagsusulat, nakaya mong mailantad ang mga kabuktutan ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas noong kapanahunan mo. Sa panahon kasi namin ngayon, bibihira na ang may lakas ng loob na makagawa noon. Talaga naman bumibilib ako sa iyo dahil napakadaming impormasyon ang nakaimbak diyan sa utak mo.

Nais kitang pasalamatan sa lahat ng karunungan na iyong naipamahagi sa amin. Sana nabubuhay ka pa rin ngayon upang ang ating mga kababayan ay tumino. Ngayong magtatapos ako sa unibersidad na aking pinapasukan, ipagpaptuloy ko kung ano ang aking mga natutunan - ang pagmamahal sa bayan sa isip, sa salita at sa gawa.

Lubos na gumagalang,
Joyce R. Pumaris
BSIT4A
A+

liham ko kay Rizal

Ika-12 ng Pebrero 2007



Para sa mahal naming bayani,

Unang una po sa lahat nagpapasamat ako sa inyo ginoong Dr. Jose Protacio Mercado Rizal dahil kayo po ang naging inspirasyon ko sa pag aaral. Hindi man ako kasing talino at husay niyo ikaw ang naging gabay ko upang maging masipag at matiyaga ko sa pag aaral. Alam ko rin na hindi lamang ako ang lubos na humahanga sa inyong talino at husay sa iba’t ibang gawain kundi ang mga tulad kong may pangarap sa hinaharap. Marami akong natutunan sa inyong buhay na naiiaplay ko sa pang araw araw at hindi ko lamang ito iniisip kundi isinasagawa ko sa mabuting paraan. Ngayon sa panahon naming mag aaral kayo ang nagiging gabay naming upang makalikha ng magagandang asal at kilos. Kami po ay magtatapos na ngayong taon ng Marso 2007 at isa ka sa aming pag aaral upang makatapos.

Huwag kang mag alala dahil hanggang sa marating naming ang tagumpay di ka naming malilimutan magpakailanman.





Lubos na gumagalang,
Kathleen S. Chavez
Bsit-4A



Paalala:
Wala po akong gawa nung oras
ng klase dahil lumiban po ako.
Kaya wala pa po akong grado sa inyo.

Sunday, February 11, 2007

Gat Jose Rizal,

MARAMING SALAMAT PO.

Sa pagiging Pambansang Bayani ng Pilipinas, ikaw ang tumatayong inspirasyon ng bawat Pilipino, lalo na ng mga kabataang tulad ko. Sa dami ng iyong nagawa para sa ating bayan, hinangaan kitang tunay. At dahil duon, natuto akong mas mahalin pa ang ating bansa. Natuto akong pahalagahan ang 'yong mga aral, pangaral, likha, ideya, adhikain at marami pang iba. ikaw ang nagturo sa amin na lumaban sa maayos at sa hindi marahas na paraan.

Dr. Jose Rizal pasensiya na po kung napabayaan namin ang inalagaan mong bansang Pilipinas. Hayaan niyo po at sisikapin ng henerasyon namin ngayon na kahit paano'y maibalik namin ang inyong nasimulan. Aming isasabuhay ang iyong mga pangaral at aming patutunayan na kami ang tunay na pag-asa ng bayan.

Jam Gervacio, B+