Friday, February 16, 2007

Ika-6 ng Pebrero, 2007

Ginoong Jose,

Matagal na kaming nangungulila sa iyo. Sa iyong mga liham, mga lathalain, mga naiwang gamit at ang iminulat mo sa aming kaisipan ay pinipilit ka naming buhayin. Sa lalim ng iyong kaisipan ay natatalos mo marahil ang aking nais ipakiwari.

Ako ay magtatapos na sa kursong sumibol ilang dekada pagkatapos mo kaming lisanin. Sa dalawampung taon kong pamumuhay sa bayang ipinagtanggol mo noon ay marami akong napuna. Sa paaralang aking pinapasukan, halimbawa, ay hindi binibigyang kabuluhan ang wikang sana'y magpapaunlad sa ating bayan. Ang wika na laging laman ng iyong mga lathalain ay pumayagi na at malapit ng tuluyang magpaalam. Sana ay may magagawa ako upang mapigilan ang paglalaho ng pinakadakilang wika sa mundo. Ang wikang minahal mo ng labis na ngayon ay mistulan ng layak na nakakalat sa gubat. Hindi pinapansin at pilit binabago ang anyo. Kung nabubuhay ka lang ngayon ay iisipin mo marahil na sayang ang mga buhay na ibinuwis noon upang ipagtanggol ang ating bayan. At kung nabubuhay pa hanggang ngayon ay marahil patuloy ka pa ring lumalaban dahil hindi pa rin nakakamit ng ating bansa ang kalayaang matagal na panahon mo nang hinihingi. Ngunit hangga't may isang katulad ko na naniniwala at nakauunawa sa iyo ay walang daan ang pagsuko.

Sa aking pagsasalamisim habang nakatanaw sa malayong papawirin ay naisip ko ang paghihirap ng kawawang kaluluha sa katawan mo. Nawa'y hindi masayang ang naging kapalit ng buhay mo.

Ang iyong kaibigan,
Rafael A. Pascual, BSIT-4A
A+

No comments: