Wednesday, February 14, 2007

Mahal kong Dr. Jose P. Rizal,

Una sa lahat nais kong magpasalamat sa iyo, sa iyong pagiging huwarang Pilipino, sa iyong pagiging mabuting mamamayan at higit sa lahat ang iyong pagiging mapagmahal sa ating bayan. Naipakita mo sa bawat tao na ikaw ay karapat-dapat na maging isang bayani ng ating bayan. Naipakita mo sa aming lahat ang iyong kabutihan at ang iyong tunay at mabuting hangarin para sa ating bayan at para sa aming mga kapwa mo Pilipino. Naging huwaran ka rin sa aming lahat na mga kabataan at dahil diyan ikaw ay aming hinahangaan at pilit ka naming tinutularan at kame ay nagsusumikap na mag-aral at magpursige sa aming nais na marating. At isa ka din sa mga dahilan kung bakit kame ay natutong makipaglaban kung anu ang aming mga karapatan bilang Pilipino at bilang isang tao. Sayang hindi kame nagkaroon ng pagkakataon para makasalamuha ka. Puro alaala at mga nagawa mo lang ang aming mga nalaman. Pero kahit ganoon paman, kahit wala ka ay parang nandito ka lang sapagkat aming ginugunita at sinasariwa ang mga ginaawa, na tulong o na ambag mo sa ating bayan at iyon ang hinding-hindi namin malilimutan ngayon. At sa paraan ng paggugunita sa iyo ay nagawa na. Katulad ng sa pagsasapellikula ng iyong buhay, at nasalin na rin ito sa iba't ibang babasahin. At halos lahat ay alam na namin ang tungkol sa iyo. At ngayon kame ay magtatapos na, isa ka sa inaalayan namin ng aming pagtatapos at tulad mo gagamitin namin sa kabutihan ang aming mga napag-aralan at natututnan. Marami po akong sabihin at iparating sa iyo pero kulang pa ang espasyo ng papel na ito para maiparating ko lahat ang aking lubos na pasasalamat sa mga nagawa mo sa amin at para sa ating bayan.
Hanggang dito......Salamat, maraming maraming salamat sa iyo.
Nagamamahal,
Lennie Narvaez
BSIT4A
B

No comments: