Monday, February 26, 2007

Ika-6 ng Pebrero, 2007
Mahal na Ginoo,
Una sa lahat, nais naming magpasalamat sa iyo ng taos puso sa lahat ng kabutihan at kagitingang ginawa mo para sa aking mga kababayan at sa ating mahal na Inang Bayan. Kung tutuusin ay hindi sapat ang salitang "salamat" upang kaming lahat ay tumanaw ng utang na loob mula sa iyo. Ibinuwis mo ang iyong buhay ng walang pasubali alang-alang sa kapakanan ng iyong bayan at kababayan. Hindi namin matumbasan ang ginawa mong kadakilaan. Hindi rin sapat ang papuri at paggunitang ginagawa ng bayan mo para sa iyo. Hindi man namin matumbasan ang ginawa mong kadakilaan, mananatili pa rin sa aming puso ang pagmamahal mo sa iyong bayan.
Kung ikaw lamang ay nananatili sa bayang ito, nasasaksihan mo sana ang maling pananaw ng iyong mga kababayan sa ating lipunan, ikaw sana ang nananatiling instrumento para mailagay sa maayos na kalagayan ang ating Inang Bayan at upang maituwid ang mga maling pananaw.
Muli, maraming salamat sa iyo at mananatili kang isang pinakadakilang bayani.
Lubos na nagpapasalamat,
Jenelyn E. Eclarinal
BSIT -4A
B+

2 comments:

Anonymous said...

Mababang Paaralang ng Teofilo V.Fernandez
Purok Santa Cruz,Barangay Indangan Davao City
Ika-26 ng Setyembre 2011

Pinakamamahal kong Bayani,

Ako ay isang mag-aaral sa ikaanim na baitang sa mura kong edad naramdaman ko na ang hirap na dinaranas ng iyong pinakamamamahal na mga kababayan dahil sa maling pamamalakad at pamumulitika ng halos lahat mga lideres ng pamahalaan.
Nangarap ako na sana ikaw ay nasa aking harapan nang maipahiwatig ko ang aking nararamdaman na mararamdaman mo rin siguro kung ikaw ay nasa aming sitwasyon. Siguro ikaw na yata ang pinakamalungkot dahil sa kalagayan ng ating bansa ngayon na dinaranas ang paghihirap dahil sa ating pamahalaan na nanungurakot ng pera ng bayan na sanay gagamitin para makaahon sa kahirapan ,kasabay din nito ang mga batas na ipinangakong ipatupad ngunit ang lahat ay nabigo dahil ang batas ng bayan ay sinawalang bahala kaya ang mga tao sa ating bansa ay pawang nalululong sa masasamang gawain sapagkat umaasa sila sa mga namamahala sa pamahalaan na akala nila buong tapat itong nagsisilbi sa taong bayan ngunit sila ay nabigla sa kanilang nararanasang paghihirap ng ating inang bayan ang iyong nag-iisang pinakamamahal na bansa ay ngayo'y nalubog sa kahirapan dahil sa mga taong nawala sa kanilang landas kagaya na lang ng mga krimeng nangyayari holdapan,panluluko sa kapwa at naglipanang mga taong walang trabaho na gumagawa ng iba't ibang krimen,mga batang kagaya ko na sa murang edad ay ibinibenta ang sarili upang mairaos ang pang araw araw na buhay,mga batang gumagamit ng bawal na gamot,naglipanang kahirapan na nadaragdagan pa ng mga kalamidad na kalahati nito ang kasalanan din ng mga mamamayan at ng gobyerno kagaya na ng “Global Warming”ang dahilan nito ay ang pagpapabaya ng ating kababayan ngunit may mga programa ang pamahalaan na isinasagawa upang maiwasan ito pero hindi nila siniseryoso ang problema datapwat naging daan pa ang mga programang ito upang makakurakot sila ng mga pundo para sa sariling kapakanan.
Alam kong nalulungkot ka sa pangyayaring ito sa ating bansa kaya sumulat ako sa iyo upang maiparating ang aking payo hinggil sa bayan na gusto kong imungkahi upang mapabuti ang kalagayan ng ating bayan.Una , sana ang ating mga opisyal na kurakot at walang pakundangang gumagawa ng kasamaan ay magbago na sa kanilang masamang intensyon sa ating mahal na bayan. Pangalawa,para sa pambansang kaunlaran at pagkakaisa gusto kong ipabatid sa ating pangulo na sana ay kanyang panghawakan ang sariling pangako na tutuparin niya ang pangangailangan ng ating bansa upang babalik sa dating anyo kung saan mararamdaman ang mapayapang pamumuhay at sa ating bise-presidente na sana bigyang -lakas at makipagtulungan sa ating pangulo na iisa ang layunin, “Pilipinas baguhin para sa kapakanan natin” at gampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang mga proyekto na pinamamahalaan tulad ng mga proyektong pabahay kung saan kanyang tinutulungan ang ating mamayan na makaahon mula sa mga sakunang kanilang nararanasan at hikayatin din niya ang mga opisyal ng “imbahada” na sagipin ang mga OFW na sinasamantala sa ibang bansa at walang awang ginagahasa.Pangatlo ,
Sana po ay matulungan ninyo akong maging instrumento ng pagiging isang modelo ng kabataan upang maisakatuparan ko ang aking mga iminumungkahi sa inyo at gagampanan ko ito sa abot na aking makakaya,ngunit sa ngayon sisimulan ko muna sa aking sarili na maging huwarang batang kagaya mo na ginagawa ang lahat ng makakaya upang mapaunlad ang iyong sarili upang magkaroon ng panghabang buhay na sandatang ipanlaban sa anumang kalupitang mararanasan ko habang hinihintay kong makaabot sa akin ang iyong sagot sa aking iminumungkahi at kung paano ito isakatuparan.

Lubos na nagmamahal,


AUBREY JOIE PEREZ
Grade VI pupil

Unknown said...

Apaka galing nyo po thank you