Saturday, February 24, 2007

liham kay rizal

Sa ating Pambansang Bayani,
Lubos ang aking pagkilala at paghanga sa iyo. Makailang ulit na naantig ang aking damdamin sa pagbabasa ng iyoing dalawang nobela, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa panahong ako ay nasa elementarya pa lamang ay naririnig ko na ang pangalang “Jose Rizal”. Ngunit katulad ng ibang bayani na dumadaan lang sa aking pandinig ay di ko maunawaan at di mabigyang importansiya ang mga bayaning ito na ating tinuturing.

Nang ako ay tumuntong sa paaralang sekondarya at naging bahagi ng aming kurikulum ang pag-aaral ng dalawang nobela na iyong isinulat. Nang mabatid ko ang iyong talambuhay, pamamaraan, at mithiin ay nagsimula ang aking paghanga sa iyo. Hindi lang sa iyong pagiging dalubwika, eskultor, pintor, magsasaka, paham, guro, at manggagamot. Nakadagdag din ng malaki ang paghanga ko sa iyong personal na gawain, ang iyong talaan ng iskedyul, ang pagpapahalaga sa pamilya at kababayan, ang iyong kasipagan at katalinuhan, at ang iyong pagtitiis at pagsasakripisyo, ay nakapukaw sa aking pag-iisip na may nananatili pa rin na taong nararapat lang pagbigyan ng mataas na paghanga.

Ngayong ako ay magtatapos na sa aking apat na taong kurso at iiwan na ang buhay estudyante ay ipinangangako ko sa iyo, Ginoong Jose Protacio Rizal ang di paglimot sa iyo. Sa mga naitulong sa ating bansa at sa iyong naging impluwensiya sa aking pagkatao. Ikaw ang aking modelo. Nawa’y ang aking buhay ay maging katulad ng sa iyo….ang mamatay ng may kabuluhan at mareyalays kung ano ba talaga ang kahulugan ng mabuhay? Taos pusong pasasalamat!

Note: Bilang pag-alala sa iyo ay mananatili sa aking pag-iingat ang dalawang libro ng iyong nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ito ay aking itinuturing na kayamanan.


Lubos na Gumagalang,
Annie Bande
BSIT-4A
marka: A

1 comment:

Kervin Perez said...

Mahal naming Bayani Rizal,

Nais kong ipaalam sa inyo ang aking lubos na pasasalamat dahil sa ma aral na naiambag at mga kaisipang nakapagbigay sakin ng mga gabay at mga ginintuang aral. Maraming maraming salamat po sa inyo di lang bilang isang pambansang bayani kundi narin bilang isang magaling na guro na nagtuturo ng mga mabubuting kaisipan para sa bayan. Bilang isang istudyante na magsisipagtapos sa kolehiyo ng pamantasan ng lungsod ng pasig kasama ng iba pa naming mga kamagaaral ay nagpupugay at ngbibigay tugon sa ating bayani na ipaabot ang aming pasasalamat di lang sa aming sarili pati nrin sa ating bayan. Salamat po sa pagbibigay ng mga kabutihang kaisipan na na nakatulong sami para malinang ang isang mapagkakatiwalaan kabataan kaya muli.

Maraming maraming salamat po sa inyo Dr. Jos Rizal

Lubos na Gumagalang
Kervin A. Perez
PLP Student (BSIT4A)