Sunday, February 25, 2007

Rizal: letters to you

Dr. Rizal,

Isang magandang umaga ang aking pagbati sa isang taong naging inspirasyon ng maraming Pilipino. Astig ka, Idol!

Hindi ko kayang gawin yung mga ginawa mo. Wala akong sapat na sex appeal para magkaroon ng maraming chicks sa bawat destinasyon mo. Wala akong kapasidad na sumulat ng dalawa't kalahating nobela. Wala rin akong salapi para mag "trip-around-the-world". Ang kaya ko lang gawin eh ang sagipin ang bayan sa kahirapan kahit na sa aking maliit na paraan.

'Nga pala, marami ng nagbago mula ng lisanin mo ang ating bayan. Wala na ang mga pesteng Espanyol na umalipusta sa ating inang bayan. Nagkaroon rin ng malawakang ngunit mapayapang pag-aalsa para patalsikin ang isang di kaaya-ayang presidente. Muli ay pinukaw ni Juan Dela Cruz ang atnsyon ng buong mundo. Oo nga pala, mukha mo, ngayo'y nasa piso.

Oo. Wala na ang mga dayuhan na "trip" na "trip" tayong sakupin at alilain. Pero ang bayan natin ngayo'y alipin ng mga mas masahol na mananakop: kahirapan at kasakiman. Muli'y nangangailangan ang bayan ng isang Dr. Jose Rizal na may masidhing pag-ibig para sa kanyang bayan sa puntong handa niyang ialay ang kanyang buhay. Muling nangangailangan ang bayan ng isang tagapag paalala, ng isang tagapagligtas, ng isang tagapagmulat. Masakit pero ito ang katotohonan. Dalangin ko'y mabuksan ang mata ng sambayanan, na mamulat ang mata nito bago pa mahuli ang lahat.

Lubos na gumagalang,
Nico Rotairo Lopez
BSIT-4A


P.S

Salamat sa lahat ng ginawa mo para makamit
ang kalayaang ngayon'y aming tinatamasa.
tsaka grade ko nga pala sa subject nameng
rizal eh "A"! Bwahaha

1 comment:

Anonymous said...

Keep up the good work.